November 16, 2009 by forefoot
Papuri sa Diyos Sa Kaitaasan.
Banal na Diyos, mapagpalang Ama. Diyos na Maawain, Diyos na mahabagin. Diyos na Mapagkalinga, at Diyos na nagpapagaling.
Sa umagang ito, lubos po ang aking kagalakan na magbigay pasalamat at papuri sa iyo. Sa pamamagitan po ng Banal na Espiritu, sa ngalan ni Hesus na ating panginoon, ibinabalik ko po ang papuri at pasasalamat sa kagalingang hinatid ninyo sa aking anak na si Cyril. Sa pamamagitan ng Banal na si Maria Raffaella Cimatti, ng mga anghel na dumalaw sa amin kagabi, lubos po ang aking pasasalamat.
Sa marami pa pong biyaya na nakalaan at darating pa sa buhay namin, salamat po muli, Amang Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Amen.
Tags: daily prayer, pojie
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
November 11, 2009 by forefoot
Banal na Diyos, Mapagpalang Ama. Diyos na mahabagin, Diyos na maawain.
Sa umagang ito, ako po’y taos-pusong nagpapasalamat sa maraming biyaya na ipinagkaloob ninyo sa akin.
Lubos po ang aking pasasalamat sa mga sumusunod:
- Sa biyaya po ng maraming kaibigan
- Sa biyaya po ng malusog at malakas na pangangatawan
- Sa biyaya po ng mabunga at mapayapang mga araw
- Sa biyaya po ng Inyong presensiya sa aming buhay
- Sa biyaya po ng patuloy na paggabay at pagkalinga ng Banal na Espiritu sa amin
- Sa biyaya po ng pagbabantay ng mga anghel
- Sa biyaya po ng pagmamahal ng ating Panginooong Hesukristo
- Sa biyaya po ng maraming pagkakataon upang makapagbago
- Sa biyaya po ng masayang pamilya
- Sa biyaya po ng dalisay na pag-ibig
Sa ngalan ni Hesus na ating Panginoon. Amen.
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
October 22, 2009 by forefoot
Banal na Diyos, Mapagpalang Ama. Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Sa umagang ito, muli po akong dumudulog sa inyong Banal na harapan. Naninikluhod at nagsusumamo. Dumadalangin at nagmamakaawa.
Sa ngalan po ni Hesus na ating Panginoon, pagkalooban po ninyo ako ng mga sumusunod, ayon sa inyong kalooban:
- Patuloy na gabay at patnubay ng Banal na Espiritu Santo, at ng mga Anghel
- Basbas po ng inyong pagpapala sa aking mga balakin at gawain
- Maging daluyan po ako ng inyong pagmamahal, biyaya at pagpapala
- Makamit ko po nawa ang minimithi kong promotion
- Makamit po ng aking buong pamilya ang aming inaasam na sariling lupa at bahay, kasama na po ang isang magarang sasakyan
- Pagkakataon po na makagawa ng mabuti sa kapwa at makatulong sa mga nangangailangan
- Biyaya po ng karunungan, at malalim na pang-unawa
Amen.
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
October 8, 2009 by forefoot
Banal na Diyos, Mapagpalang Ama, Diyos ng Langit at Lupa. Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Sa umagang ito, akoý poý muling nagpapasalamat sa biyaya ng mapayapang pagtulog at magandang panahon. Muli po akong dumadalangin at nagsusumamo sa Inyong banal na awa, habag at pagmamahal.
Sa pamamagitan po ng Banal na Espiritu Santo, ipabatid po Ninyo sa akin ang Inyong Banal na plano sa aking buhay. Patuloy po Ninyo akong gabayan at patnubayan sa aking mga gawa, balakin at adhikain sa buhay. Basbasan po Ninyo ang aking mga gawi.
Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Tags: Daily Prayers
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
October 7, 2009 by forefoot
Banal na Diyos, Mapagpalang Ama. Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob. Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
- Salamat po sa biyaya ng magandang umaga.
- Salamat po sa biyaya ng bagong pagkakataon.
- Salamat po sa biyaya ng inyong salita.
- Salamat po sa biyaya ng inyong pagmamahal.
- Salamat po sa biyaya ng inyong awa at habag.
Muli, sa umagang ito, ako poý nagsusumamo na pagpalain Nyo po at basbasan ang aking mga gawain, balakin at adhikain. Pagkalooban Nyo po ako ng maraming pagkakataon upang magawa ang lahat ng mga ito. At nawa, sa tulong ng Banal na Espiritu, maging pagpapala po ako sa iba.
Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Tags: daily morning prayer
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
October 6, 2009 by forefoot
Banal na Diyos, Mapagpalang Ama. Diyos na May Likha ng Langit at Lupa. Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Diyos ni Abraham, Isaac at Jacob.
Sa inyo pong banal na awa, habag at pagmamahal, ako poý dumudulog at nagsusumamo.
Tulungan Nyo po kami sa aming mga pinagdaraanan. Bigyan nyo po kami ng kaginhawaan.
Sa pamamagitan po ng inyong awa, habag at pagmamahal, hinihiling ko po ang mga sumusunod na biyaya:
- Ang biyaya po ng paglaya sa maraming pagkakautang.
- Ang biyaya po ng paglaya ng aming kalooban sa anu mang sama ng loob mula pa sa nakaraan.
- Ang biyaya po ng pagpapatawad sa kasalanan ng isat isa at paglimot sa aming mga pagkakamali.
- Ang biyaya po ng malalim na pag.usisa sa sarili. Ang malayang pagmumuni sa buhay.
- Ang biyaya po ng pagkakataong makapagkumpisal at makahingi ng tawad sa anu mang mga kasalanan.
- Ang biyaya po ng maganda, malakas at malusog na pangangatawan.
- Ang biyaya po ng karunungan.
- Ang biyaya po ng sigla at talas ng isip sa aking hanap-buhay.
- Ang biyaya po ng malumanay na pananalita.
- Ang biyaya po ng malawak na pang.unawa at mahabang pasensya.
- Ang biyaya po ng tapat at maasahang mga kaibigan.
- Ang biyaya po ng maraming oras sa pamilya, sa trabaho, at sa pag.takbo.
- Ang biyaya po ng maayos na pamumuhay.
- Ang biyaya po ng magara, malaki at matibay na sarili naming bahay at lupa.
- Ang biyaya po ng magara at maasahang sarili naming sasakyan.
- Ang biyaya po ng gabay at patnubay ng Banal na Espiritu Santo sa aming buhay.
- Ang biyaya po ng patuloy na pagkalinga ng mga Anghel sa aming pamilya.
- Ang biyaya po ng awa, at habag ng Diyos Ama at Anak sa aming mga kahilingan.
Ang lahat ng ito po ay hinihiling ko ng mulit muli sa ngalan ni Hesus na ating Panginoon, sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Amen.
Tags: Daily Prayers
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
October 1, 2009 by forefoot
Banal na Diyos, Mapagpalang Ama. Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Sa umaga pong ito, akoý poý muling dumudulog sa banal Ninyong presensya. Taos puso po ang aking pasasalamat.
Sa biyaya po ng karunungan. Sa biyaya ng magandang panahon. Sa biyaya ng maraming kaibigan. Sa biyaya ng malakas at malusog na pangangatawan. Sa biyaya ng masarap na hapunan. Sa biyaya ng maayos na hanap.buhay. Sa biyaya ng maraming pagkakataon.
Sa ngalan ni Hesus na ating Panginoon.
Amen.
Tags: daily prayer
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
October 1, 2009 by forefoot
Banal na Diyos, Mapagpalang Ama, Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Diyos na maawain. Diyos na mahabagin.
Sa inyo pong awa, habag at pagmamahal, ako poý nagsusumamo. Dinggin po Ninyo ang aking panalangin.
Ang biyaya po ng mapayapang panahon.
Ang biyaya po ng malugod na araw.
Ang biyaya po ng mabungang hanap-buhay.
Ang biyaya po ng malusog at malakas na pangangatawan.
Ang biyaya po ng karunungan.
Sa ngalan ni Hesus na ating Panginoon. Amen.
Tags: Daily Prayer of a Sinner
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »